Manila, Philippines – Magre-recruit ang Philippine National Police (PNP) ng 2000 pang pulis para maging miyembro ng PNP Special Action Force.
Ayon kay PNP Chief Ronald Dela Rosa iniutos mismo ni Pangulong Rodrigo duterte ang pagre-recruit ng mga pulis.
Aniya ang 2 libong pulis na ito ay katumbas ng 5 batallion ng SAF na tutulong sa Armed Forces of the Philippines para magbigay ng seguridad upang matugunan ang insurgency o patuloy na panggugulo ng mga terorista.
Sinabi pa ni Dela Rosa na tutulong din ang mga ito sa AFP sa pagsasagawa ng international security operation.
Matatandaang una nang nagpahayag ang Communist Party of the Philippines na mas paiigtingin nila ang kanilang pag-atake sa tropa ng pamahalaan.
Facebook Comments