Pumalo na sa higit 80% o walumpung porsyento ang nabakunahan ng kontra-tigdas at rubella sa bayan ng Asingan, ayon sa huling datos na inilabas ng Municipal Health Unit o MHU ng nasabing bayan nito lamang Martes.
Ayon sa tala ng MHU, tinatayang nasa 84.67 na porsyento o katumbas ng tatlong libo, walong daan, at labindalawa o 3,812 na mga bata ang bakunado na ng kontra-tigdas at rubella mula edad limang taong gulang pababa.
Tinataya namang nasa 41.85 na porsyento o dalawang libo, isang daan, at animnapu’t apat o 2,164 na chikiting ang naturukan ng kontra-polio sa dalawampu’t isang barangay ng kaparehong bayan.
Samantala, tatlong libo at siyam na raan o 3,900 naman ang naibigay na Vitamin-A sa mga bata.
Matatandaan na pinangunahan ng alkalde ng Asingan ang Launching Ceremony ng nasabing programa noong ika-dalawamput walo ng Abril sa MHU Hall na naglalayong mabigyan ng dagdag proteksyon ang mga chikiting laban sa mga nabanggit na sakit. |ifmnews
Facebook Comments