Kontraktor, sugatan sa pamamaril ng riding-in-tandem sa Santa Catalina, Negros Oriental

Sugatan ang isang kontraktor matapos siyang pagbabarilin ng motorcycle riding-in-tandem habang sakay din sa kanyang motorsiklo sa Barangay San Francisco, Santa Catalina, Negros Oriental.

Kinilala ang 58-anyos na biktima na si Engr. Angelito Mendoza, isang kontraktor at quarry operator na residente ng Barangay Manalongon, Santa Catalina.

Lumabas sa imbestigasyon ng Santa Catalina Municipal Police Station na papunta sana ang biktima sa quarry site sa Barangay San Francisco nang pinagbababaril siya ng mga suspek nang tatlong beses sa kanyang likuran kaya natumba ang kanyang minamanehong motorsiklo.

Sa ngayon, nasa stable nang kondisyon si Mendoza habang patuloy na ginagamot sa ospital.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa motibo at pagkakakilanlan ng mga suspek.

Facebook Comments