KONTRAKTUWALISASYON | Malakawakang kilos protesta kasabay ng Labor Day, ikakasa ng iba’t-ibang labor groups

Manila, Philippines – Magkakasa ang iba’t-ibang Labor groups ng malawakang kilong protesta kasabay ng paggunita ng Labor Day sa Martes, Mayo a-uno.

Ito ay para ihayag ang kanilang pagkadismaya sa kabiguan ng gobyerno na wakasan ang kontraktuwalisasyon at pagpapatupad ng national minimum wage.

Ayon sa Kilusang Mayo Uno (KMU), higit 150,000 na manggagawa sa buong bansa ang lalahok sa protesta.


Magmamartsa rin sila kasama ang nagkaisa Labor Coalition sa Mendiola, Maynila.

Bukas (April 30), magkakaroon ng press conference ang KMU at iba pang labor organization para ideklarang national day of protest ang May 1, 2018.

Una rito, nagsimula na ang camp-out ng nasa 10,000 manggagawa sa ilalim ng grupong kadamay sa National Housing Authority (NHA).

Facebook Comments