Kontraktuwalisasyon sa bansa, hindi mawawala dahil sa globalisasyon – ayon sa DOLE

Mahigpit na tinututukan ng Deparment of Labor and Employment (DOLE) ang mga kumpaniyang nagpapatupad ng kontraktuwalisasyon.

Sa Malacañang Insider, sinabi ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma, may mga kontraktuwalisasyon naman na pinapayagan ng batas.

Pero kailangan aniyang masiguro na sumusunod ang mga ito sa Labor Code at hindi ito maaabuso.


Nakamonitor din ang DOLE kung sinusunod ng mga kumpanya ang mga panuntuan para sa kanilang contractual workers.

Ayon kay Laguesma, dapat na maging regular o permanente rin ang mga ito sa loob ng itinakdang panahon.

Aminado naman ang DOLE na marami pang dapat gawin pero kailangan ring maintindihan na globalized na ang ekonomiya ng Pilipinas kaya hindi mawawala ang contractual na trabaho.

Kaya dapat aniyang balansehin ang regular at contractual jobs para tuloy-tuloy ang paglikha ng mga trabaho at magkaroon ng mataas na lebel ng hanapbuhay ang mga Pilipino.

Facebook Comments