Kontraktwal na Guro sa Siyudad ng Cauayan, Palalawigin ang Serbisyo

Cauayan City, Isabela- Tiniyak ngayon ng Lokal na Pamahalaan ng Cauayan na marerenew ang kontrata ng mga guro sa kabila ng kanilang pangamba na hindi na sila makapagturo sa darating pasukan sa Agosto 24.

Ito ang pagtitiyak ni City Mayor Bernard Dy sa hinaing ng mga tinatayang nasa 40 guro na kasama sa Local School Board.

Ayon kay Dy, kapakanan din ng nasabing bilang ng mga guro ang tinitignan ngayon ng LGU lalo pa’t nasa panahon ang lahat sab anta ng pandemya.


Samantala, may isang Non-Government Organization ang tumutulong ngayon sa LGU upang malaman ang mga hakbang sa kung nasaan na ang katayuan ng isang mag-aaral pagdating sa kaalaman.

Boluntaryong nakikiisa ang ‘Teach for the Philippines’para sa intervention na gagawin sa mga mag-aaral.

Facebook Comments