KONTRAKTWALISASYON | 3,000 mula sa 54,000 kompanyang ininspeksyon ng DOLE, hindi sumusunod sa utos ng Pangulo

Manila, Philippines – Tatlong libo mula sa 54,000 mga kompanyang ininspeksyon ng DOLE ang nadiskubreng hindi sumusunod sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagbabawal sa kontraktwalisasyon.

Ayon kay DOLE sec. Silvestre Bello III – kabilang sa mga non-complaint compay ang mga hotel, retail at mga mall.

Babala ng kalihim, kung hindi sila susunod ay mapipilitan silang ipag-utos sa mga ito ang regularization ng kanilang mga contractual workers gaya ng nangyari sa PLDT.


Kamakailan lang nang aminin ng pangulo na hindi sapat ang inilabas niyang executive order para tuluyang mahinto ang endo at illegal contractualization sa bansa.

Facebook Comments