Manila, Philippines – Naniniwala ang grupong Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines na pipirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Final Draft ng Executive Order bukas na magtatakda kung ano ang mga trabahong pwede at hindi pwedeng i-end of contract, seasonal at contractual.
Ayon kay ALU-TUCP Spokesperson Alan Tanjusay, natanggap na ni Pangulong Duterte ang kopya ng Draft ng Executive Order noong Biyernes ng gabi, April 13, kaya’t malaki ang kanilang paniniwala na pipirmahan ito ng Pangulo bilang pagtupad sa kanyang pangako na tapusin na ang paglaganap na kontrakwalisasyon sa mga manggagawa.
Paliwanag ni Tanjusay na sasaksihan nila bukas at iba pang mga labor leaders ang makasaysayang at mahalagang pangyayari sa buhay ng mga manggagawa ang paglagda umano ni pangulong Duterte sa Executive Order.
Giit ni Tanjusay sakaling hindi sila magkakamali sa kanilang paniniwala na pipirmahan ng Pangulo ang Endo ay tinatayang nasa 28 milyon na manggagawang kontrakwal at Endo sa bansa ang makikinabang dito.