Manila, Philippines – Isinusulong na rin sa Kamara ang pagbabawal ng Endo
sa gobyerno.
Sa inihaing house bill 7415 ng Makabayan Bloc – layon nitong pahintuin na
ang Endo sa pamahalaan bilang pagsunod na rin sa kampanya ni Pangulong
Rodrigo Duterte na wakasan ang Endo sa bansa
Naninindigan ang Makabayan Bloc na hindi lamang dapat sa pribadong sektor
ipinapatigil ang Endo kundi pati sa mga kawani ng pamahalaan.
Giit ng mga mambabatas – kailangang masunod ang batas para ma-regular ang
mga karapat-dapat na empleyado.
Base sa datus, aabot sa 800,000 ang mga manggagawa sa gobyerno na
contractual at nakatalaga sa ibat ibang sangay ng pamahalaan.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>
Facebook Comments