Manila, Philippines Hindi na maglalabas ng Executive Order si Pangulong Rodrigo Duterte para wakasan ang End of Contract o ENDO.
Sa press briefing kanina, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na ipinauubaya na ng Malacañang sa kongreso ang pagresolba sa isyu ng kontraktwalisasyon.
Aminado si Roque na walang nabuong tripartite agreement kaya wala nang ilalabas na E.O. kontra ENDO ang Pangulo.
Pero paglilinaw niya, hindi ibig sabihin nito ay tinatalikuran na ng pangulo ang pangako niyang tuldukan ang endo.
Samantala ayon kay DOLE Secretary Silvestre Bello III – sa halip na EO para sa ENDO, sesertipikan na priority bill ang isinusulong na “security of tenure” sa Senado.
Facebook Comments