KONTRAKWALISASYON | Malawakang kilos protesta ng mga militanteng manggagawa sa Mayo 1, nakakasa na

Manila, Philippines – Tiniyak ni ALU-TUCP Spokesman Alan Tanjusay na libu-libong mga manggagawang Pinoy ang lalahok sa malawakang kilos protesta sa Araw ng mga Manggagawa sa Mayo 1.

Sa ginanap na presscon sa Manila sinabi ni Tanjusay na binigo sila ni Pangulong Rodrigo Duterte na wakasan na ang Kontrakwalisasyon sa bansa matapos maudlot ang pirmahan sana noong April 16 ang Executive Order sa Malacañang upang tuldukan na ang Endo.

Paliwanag ni Tanjusay na isinumite nila ang mga listahan ng mga sinu-sinong kumpanya na dapat na i-regular at hindi pero walang ginawang aksyon ang Pangulo dahil nagsumite rin aniya ng listahan ang mga malalaking negosyante ng ibang listahan kung saan tinatakot nila ang Pangulo na maraming mawawalan ng trabaho at magsasara na kumpanya dahil hindi nila makayanan na i-regular ang lahat ng empleyado.


Umaasa naman si Tanjusay na magbabago ang isip ng Pangulo at maliwanagan para ito para pirmahan ang Executive Order upang tuldukan ang Endo.

Facebook Comments