Naglabas ang Quezon City Regional Trial Court (QC-RTC) ng temporary restraining order at preliminary injunction upang ipatigil ang kontrata ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa national ID printer na AllCard Inc (ACI).
Sa pitong pahinang desisyon na inilabas ng QC RTC branch 76, kinilala ng korte ang kritikal at sensitibong katangian ng kaso, na binibigyang-diin ang mga usapin ng pambansang interes sa kahalagahan ng programa ng national ID.
Pinagbigyan nito ang petisyon ng ACI, na binibigyang-diin ang pangangailangan na agad na malutas ang hindi pagkakaunawaan sa kontraktwal na hindi magagawa sa pamamagitan ng Arbitral Tribunal.
Tinawag ng korte ang umano’y kawalan ng transparency ng BSP dahil nabigo umano itong ibunyag ang impormasyon tungkol sa termination at ipinagbawal ang pagpataw ng mga parusa sa ACI.
Sinabing ang termination ng kontrata ay napaaga ang paglabas ng desisyon noong Agosto 15 o isang araw pagkatapos ng summary sa pagdinig ng kaso.
Sa desisyon, sinasabing ang pagkaantala sa paghahatid ng nasabing mga card ay umabot ng hindi bababa sa P129,646,464.29 liquidated damages.
Dahil sa malaking halaga, ang karapatan ng petitioner na ganap na malaman ang batayan ng naturang pinsala at ang pagkakataong magpaliwanag ay kailangan.