Umaasa ang Commission on Elections (Comelec) na matatapos na sa sa loob ng dalawang linggo ang notice to proceed para malagdaan na ang kontrata sa South Korean firm na Miru System na magsusuplay ng makina sa Pilipinas para sa 2025 midterm elections.
Pahayag ito ni Comelec Chairman George Erwin Garcia, matapos ipagkaloob sa Miru System ang halos ₱18 bilyong proyekto para sa pagsusuplay ng makina at iba pang kagamitan sa eleksyon.
Umaasa si Garcia na makapagsisimula na sa susunod na linggo ang contract negotiation.
Kabilang na ang pag-customize sa mga pagtayo ng repair hubs sa 82 probinsya, pag-imprinta ng balota, pagkuha ng international certification mula sa ibang bansa at iba pang aspeto na nakalagay sa kontrata na pipirmahan ng Comelec at Miru System.