Manila, Philippines – Nilinaw ni Bureau of Customs Commissioner Nicanor Faeldon na tapos na ang kontrata ng dalawampu’t pitong atleta na kinuha ng kanilang ahensya bilang mga technical assistants.
Paliwanag ni Faeldon, hindi empleyado ng BOC ang mga aktibo at retired athletes dahil contractual ang mga ito at hindi sila lahat ire-renew ahensya.
Magugunita na kabilang sa mga atletang tinanggap ng BOC ay sina Volleyball Star Alyssa Valdez at Basketball Veterans Marlou Aquino at Kenneth Duremdes.
Samantala, posibleng kasuhan ang ilang mga opisyal ng BOC sa pagkuha nila ng mga dating atleta.
Ayon kay House Deputy Speaker at Batangas Rep. Raneo Abu – dapat ay may kasanayan at mataas na standards na sinusunod ang BOC sa pagkuha ng kanilang mga tauhan.
Nais ni Abu na isailalim sa masusing review ang 201 files ng mga dating basketball player na kinuha ng grupo ni Commissioner Nicanor Faeldon bilang mga empleyado ng ahensya.