Kontrata ng DBM-PS hinggil sa 1.3 bilyong pisong halaga ng PPE, kinuwestiyon ng COA

Kinuwestiyon ng Commission on Audit (COA) ang pinirmahang 1.3-bilyong pisong kontrata ng Department of Budget and Management-Procurement Services (DBM-PS) sa pagbili ng aabot sa 1.386 bilyong pisong halaga ng Personal Protective Equipment (PPE) laban sa COVID-19.

Batay sa 2021 audit report ng COA, hindi nakapagsumite ng kaukulang Certificate of Medical Device Notification (CMDN) ang supplier na binilhan ng DBM-PS ng mga surgical masks, face shields, aprons, gloves, coveralls, head and cover gowns at respirators.

Sa ilalim ng Food and Drug Administration (FDA) circular noong November 3, 2020, ang CMDN ay isang requirement para sa mga importers at manufacturers ng mga medical device at equipment kasama ng kaukulang license to operate nito.


Lumalabas din sa 1.386 bilyong pisong kontrata, aabot sa 505.7 milyong piso ng purchase order ang hindi na-deliver at hindi nabayaran bago matapos ang taong 2021.

Idinahilan naman ng PS-DBM sa COA na ang CMDN ay required lamang kapag ang PPE ibebenta commercially at pinayagan ng DOH at WHO ang pagsumite ng mga kaprehong foreign documents para sa pag-angkat ng PPE.

Dagdag pa nito, ang pagbili ng PPE ay nangyari sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic kung saan mahigpit ang mga ipinatutupad na lockdown at nangangailangan ng agarang pabili ng mga naturang kagamitan.

Facebook Comments