Kontrata ng Department of Tourism sa advertising agency na McCann World Group Philippines, kinansela na

Manila, Philippines – Manila, Philippines – Kinansela na ng Department of Tourism (DOT) ang kontrata nito sa advertising agency na McCann World Group Philippines.

Sa harap ito ng mga batikos sa campaign ad ng Pilipinas na umano’y kinopya sa tourism ad ng South Africa.

Sa interview ng DZXL-RMN kay DOT Asec. Ricky Alegre – aniya, lumabas sa kanilang internal investigation na malaki talaga ang pagkakahawig ng tourism ad ng dalawang bansa.


Bukod dito, humihingi rin ng public apology ang DOT mula sa McCann.

Kasabay nito, inanunsyo ni Alegre ang pagbubukas nila ng bagong procurement process para sa bagong advertising material ng Pilipinas.

Samantala, pinag-aaralan na rin ng DOT ang kasong maaari nitong isampa laban sa McCann.

Facebook Comments