Inaprubahan na ng Commission on Elections (Comelec) ang kontratang ibibigay sa F2 Logistics na mangangasiwa sa pag-iimbak at pagbibiyahe ng mga forms, machines at iba pang kagamitan para sa 2022 election.
Ito ang kinumpirma ni Comelec spokesman James Jimenez sa kabila ng ulat na konektado umano ang F2 Logistics sa Davao businessman na si Dennis Uy na tumulong kay Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016 election.
Nanaig ang F2 sa ilan pa nitong katunggali na LBC Express, 2Go Express, at Airspeed International para sa pinakamababang offer na P535.99 million at maximum contract price na P1.61 billion.
Una na ring ginamit ang F2 noong 2018 para sa barangay at Sangguniang Kabataan elections.
Sa ngayon, magpapadala na ng official notice of award ang Comelec sa F2 Logistics para maging pormal ang kasunduan