Nilagdaan na ng Commission on Elections (Comelec) at F2 Logistics ang kontrata para sa paghahatid ng mga vote-counting machine, balota, at iba pang suplay sa iba’t ibang bahagi ng bansa para sa election 2021.
Sa kabila ito ng mga batikos at panawagan dahil iniuugnay ang F2 Logistics sa negosyanteng si Dennis Uy na “big contributor” o donor sa kandidatura ni Pangulong Duterte noong 2016.
Ang kontrata ay nagkakahalaga ng P535 million na hinati sa sa apat na coverage areas batay sa clustering ng mga rehiyon,
Kinabibilangan ito ng mga sumusunod:
Cordillera Administrative Region, Ilocos, Cagayan Valley at Central Luzon – P106 million
Metro Manila, Calabarzon, Mimaropa, at Bicol Region – P123 million
Western Visayas, Central Visayas, at Eastern Visayas – P120.9 million
Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Davao Region, Soccsksargen, Caraga at Bangsamoro region – P185.9 million
Kasama sa ihahatid ng F2 Logistics sa iba’t ibang parte ng bansa ang mahigit 97,000 vote counting machines at mga baterya nito, mga balota at ballot box, mga computer at makina para sa canvassing ng boto, iba’t ibang form para sa halalan at computerized voters’ list.