Manila, Philippines – Pinag-aaralan na ng Dept. of Transportation (DOTr) na kanselahin ang kontrata ng maintenance provider ng Metro Rail Transit line 3 (MRT-3).
Ito’y dahil sa patuloy na aberyang nangyayari sa operasyon ng tren na nagiging pasakit sa mga pasahero.
Nang magsimula ang kontrata ng Busan Universal Rail Inc. (BURI) nitong 2016, umabot na sa 586 ang insidenteng pinapapababa ang mga pasahero dahil sa aberya.
Pero ayon sa tagapagsalita ng buri na si Atty. Charles Mercado – naibaba naman nila ang MRT-3 system glitches sa 17-porsyento o katumbas ng nasa 500 aberya.
Sinabi naman ni MRT-3 Operations Head, Engr. Deo Manalo, may mga maganda nang nagawa ang buri sa pangkalahatang operasyon ng tren.
Sa susunod na linggo, nakatakdang magsumite ang buri ng kanilang tugon sa Commission on Audit (COA) matapos silang patawan ng kalahating bilyong pisong penalty.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558