Pinirmahan na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang kontrata para sa Metro Manila Subway Project, Quezon Avenue, East Avenue, Anonas station at Camp Aguinaldo station.
Ginawa ang contract signing sa Malacañang.
Unang pinirmahan ang kontrata para sa Contract Package 102 na sasakop sa Quezon Avenue at East Avenue station.
Kasunod ang pagpirma sa Contract Package 103 naman na saklaw ang Anonas at Camp Aguinaldo stations.
Kasama ni Pangulong Marcos sa contract signing sina JICA Senior Vice President Nakazawa Keiichiro, Japan, Chargé ‘affaires Matsuda Kenichi, Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista habang dumalo rin sa okasyon si Quezon City Mayor Joy Belmonte.
Ayon kay DOTr Secretary Jaime Bautista, kapag naging fully operational na ang mga proyektong ito mababasawan ang travel time sa biyahe at magkakaroon ng mas maraming oras sa pamilya ang bawat empleyadong Pilipino.
Tinatayang magbubukas ang proyektong ito partially sa 2025 at fully operational sa taong 2028.
Ang dalawang pinirmahang kontratang ito ay nagkakahalaga ng kabuuang 28 billion pesos.