JAPAN – Pipirmahan na ngayong araw ang kontrata ng pagrenta ng Pilipinas sa mga lumang surveillance aircraft ng Japan.Ayon kay Defense Usec. Raymundo Elefante – limang TC90 aircraft ang rerentahan ng Pilipinas para magamit sa pagpapatrolya sa teritoryo ng bansa.Taun-taon aniya itong babayaran ng Pilipinas sa halagang 28,200 US dollars o higit 1.3 – milyong piso.Giit ni Elefante, hindi na lugi ang Pilipinas sa magiging lease agreement dahil bukod sa murang renta, libre rin ang ibibigay na training ng Japanese military.Samantala, hindi naman masabi ng opisyal kung hanggang kailan aarkilahin ang limang eroplano pero umaasa siyang sa huli, libre na itong ibibigay ng Japan sa Pilipinas.
Facebook Comments