Kontrata ng Tourism Department sa ad agency na nasa likod ng kontrobersyal na tourism campaign video, pinutol na

Kinumpirma ng Department of Tourism (DOT) na binasura na nila ang kanilang kontrata sa ad agency na DDB Philippines.

Ito ay matapos umani ng batikos ang “Love the Philippines” tourism campaign video ng DOT makaraang gumamit ito ng footage mula sa Thailand, Indonesia, at Dubai sa nasabing video presentation.

Sa statement na inilabas ng Tourism, aminado ito na maging sila ay nadismaya sa ginawa ng ad agency.


Nilinaw rin ng DOT na wala silang binayaran sa DDB Philippines sa ilalim ng tourism branding campaign contract.

Una na ring humingi ng dispensa sa publiko ang naturang ad agency.

Facebook Comments