Kontrata para sa konstruksyon ng Mindanao Railway project, nilagdaan na ng DOTr

Pinirmahan na ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang isang kontrata para sa konstruksyon ng Mindanao Railway project o MRP.

Ayon kay Secretary Tugade, ang MRP ay may habang 1,544 kilometers na magkokonekta sa mga lungsod ng Davao, General Santos, Cagayan de Oro, Iligan, Cotabato, Zamboanga, Butuan, Surigao, at Malaybalay.

Aniya, ang first phase ng MRP ay may habang 100 kilometers na may walong estasyon na magkokonekta sa mga lungsod ng Tagum sa Davao del Norte, Davao City, at Digos sa Davao del Sur.


Ito aniya ay kayang mag-accommodate ng 122,000 passengers, kung saan mapapaigsi na ang kanilang travel time sa isang oras mula sa tatlong oras, mula Tagum at Digos.

Aniya, ang China Railway Design Corporation (CRDC), isang Chinese construction company, ang gagawa sa unang phase ng MRP-Tagum-Davao-Digos (MRP-TDD) segment.

Facebook Comments