Kontrata sa pagtatayo ng Bulacan Airport, iginawad na ng DOTR sa San Miguel Corp.

Pormal nang iginawad ng Department of Transportation (DOTR) ang kontrata para sa pagtatayo at operation ng ₱735 Billion new Manila Interantional Airport sa Bulakan, Bulacan sa San Miguel Corporation (SMC).

Sa ilalim ng award notice, ang SMC ang gagawa ng financing, design, construction, supply, completion, testing, commissioning, at operation and maintenance ng Bulacan Airport.

Inaatasan ang SMC na magpasa ng kaukulang dokumento sa special bids and awards committee ng DOTR sa loob ng 20 araw matapos matanggap ang notice of award.


Kapag nakapagpasa na ang SMC ng requirments, dito lamang maglalabas ng DOTR ng notice para simulan ang konstruksyon ng proyekto.

Ang Bulacan Airport ay mayroong 2,500 hectares, magkakaroon ito ng Passenger Terminal Building na may airside at landside facilities, isang Airport Toll Road at apat na runways.

May design capacity ang Airport na hanggang 100 Million passengers kada taon at maaaring palakihin pa hanggang 200 Milyon, target ding mag-accomodate ng 240 aircraft movements kada oras.

Ayon kay DOTR Usec. for Planning and Project Implementation Ruben Reinoso, kapag nakumpleto ang proyekto ay makakatulong ito na mapaluwag ang NAIA.

Facebook Comments