Kontrata sa Smartmatic, susuriin ng COMELEC kaugnay sa isyu ng security breach

Susuriin ng Commission on Elections (COMELEC) ang kontrata sa Smartmatic Inc., hinggil sa umano’y security breach sa system ng service provider para sa Eleksyon 2022.

Ito ay kasunod ng direktiba ni COMELEC Chairperson Saidamen Balt Pangarungan sa COMELEC na magsagawa ng pagsusuri ng kontrata at magsagawa ng aksyon alinsunod sa isinasaad ng batas.

Matatandaang sinabi ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na isang Smartmatic employee ang sangkot sa umano’y security breach at kasalukuyan ng nasa kustodiya ng National Bureau of Investigation (NBI).


Dagdag pa ni Pangarungan na dapat magtakda ng detailed plan ang Department of Information and Communications Technology (DICT) upang maiwasan ang security breach o iba pang problema.

Samantala, sinabi naman ni DICT Sec. Emmanuel Rey Caintic na nakikipag-ugnayan na ang ahensya sa NBI at COMELEC kaugnay sa usapin ng security breach sa operasyon ng SMARTmatic at patuloy silang nagsisiyasat ukol dito.

 

Facebook Comments