Kontratang pinasok ng gobyerno para sa Beep cards, pinarerepaso

Matapos masilip ang maanomalyang kontrata sa Maynilad at Manila Water.

Ipinarerepaso na rin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kontrata ng gobyerno sa provider ng Beep cards o yung stored value card na ginagamit sa LRT, MRT, at iba pang transport service.

Nabatid na mula 20 pesos ay nagmahal ito sa 30 pesos ang halaga ng bawat card.


Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo – nais ng Pangulo na malaman kung may mga probisyon mula sa kontrata ang dehado ang gobyerno.

Tiniyak ni Transportation Secretary Arthur Tugade – na sinisilip na nila ang kontrata.

Nauna nang nilinaw ng DOTr na ang issuance ng Beep card ang nagmahal at hindi ang pamasahe sa tren.

Automatic provision ito sa concession agreement na pinirmahan noong 2014.

Ang Beep cards ay nasa ilalim ng AF Payments Inc. – isang joint venture sa pagitan ng Ayala Corporation at ng Firt Pacific Group ni Manny V. Pangilinan.

Facebook Comments