Ipinababasura ng Bayan Muna ang mga kontratang pinasok ng Pilipinas sa China partikular ang irrigation project sa Chico River sa Hilagang Luzon.
Giit ng grupo, disadvantageous at malaki ang ikalulugi dito ng bansa.
Aabot sa 2% kada taon ang kailangang bayaran sa China sa loob ng 20 taon o tinatayang aabot sa $86 Million o P3.688 Billion.
Nadiskubre din sa kontrata na kakamkamin ng China ang Patrimonial rights ng bansa sakaling hindi mabayaran ang utang o kaya ay kukunin ang ating lupain tulad ng pangangamkam nito sa isang pantalan sa Sri Lanka.
Nababahala ang Bayan Muna dahil may territorial claims ang bansa sa West Philippine Sea (WPS).
Dahil dito, hinamon ang gobyerno na ilabas na lahat ng pamahalaan ang pinasok na kontrata sa China para mabusisi na ito.