
Nahaharap sa kasong kriminal ang Alpha & Omega General Contractor & Development Corporation at dating District Engineer Aristotle B. Ramos ng Department of Public Works and Highways p DPWH Malabon–Navotas District Engineering Office.
Ang mga opisyal ay sinampahan ng kaso ng pamahalaang lungsod ng Malabon sa Office of the City Prosecutor.
Nag-ugat ang kaso sa umano’y iligal na demolisyon at konstruksiyon sa isang lupang pag-aari ng lungsod.
Base sa imbestigasyon ng City Engineering Department ng Malabon, sinimulan ang proyekto nang walang koordinasyon at otorisasyon mula sa lokal na pamahalaan.
Isinagawa umano ang hindi otorisadong paggiba at pagpapatayo ng isang Barangay Multi-Purpose Building sa Lot No. 1, Sanciangco Street, Barangay Catmon nang walang kaukulang demolition at building permits at walang pahintulot mula sa city government.
Dahil dito, inireklamo ang mga respondent ng paglabag sa National Building Code of the Philippines at sa Anti-Graft and Corrupt.









