Thursday, April 9, 2026

Kontratista at flood control state witness na si Sally Santos, humarap na sa Sandiganbayan kahapon

Kumanta na ang kontratista at flood control state witness na si Sally Santos sa pagdinig ng Sandiganbayan 3rd Division kahapon kaugnay ng iregularidad sa flood control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Inamin ni Santos na ipinahiram nya ang kanyang lisensya bilang kontraktor ng Syms Construction kay dating DPWH Bulacan 1st District Engineer Brice Hernandez kapalit ng 3% na komisyon mula sa mga proyekto ng departamento.

Ayon kay Santos, umabot sa 42 proyekto ang nakuha ng Syms Construction na karamihan ay flood control projects mula sa departamento simula 2024 hanggang 2025.

Gayunpaman, mariing iginiit ni Santos na hindi nya alam na ghost project pala ilan sa mga ito, hanggang sa mismong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang nag-inspeksyon dito.

Samantala, inamin din ni Santos na P400 million ang pinakamalaking halaga ng pera na idini-deliver nya kay Hernandez sa isang araw at umabot anya ito sa kabuang P1.8 billion.

Facebook Comments