Kontribusyon ng mga healthcare worker, tampok sa isang women’s forum ng Department of Migrant Workers

Isang forum tungkol sa mga kababaihan sa healthcare at gender equality ang isinasagawa ng Department of Migrant Workers(DMW) sa Makati City.

Tampok sa forum ang mga adbokasiya ng mga babaeng namumuno sa larangan ng healthcare na nagsusulong para sa patas na sweldo, mga pulisiya at reporma para sa mga marginalized na kababaihan.

Pag-uusapan din ang kondisyon ng mga kababaihan sa workforce lalo na ang mga healthcare worker.


Inimbitahan ng DMW bilang tagapagsalita ang ilang mga Overseas Filipino Worker (OFW) upang magbahagi ng kanilang mga naging karanasan at ilang expert sa larangan healthcare at sociology.

Bahagi pa rin ito ng pagdiriwang ng bansa sa ‘National’s Women’s Month’.

Facebook Comments