Kinilala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang mahalagang papel ng mga kababaihan sa pag-unlad ng lipunan sa selebrasyon ng National Women’s Month ngayong buwan ng Marso.
Sa kanyang mensahe, nananawagan si Pangulong Marcos para sa patuloy na pagsisikap na alisin ang mga bias at diskriminasyon sa kasarian, partikular sa mga marginalized na komunidad.
Hinimok din ng pangulo ang lahat ng Pilipino na tiyakin ang pantay na oportunidad para sa kababaihan at pangalagaan ang mga natamo tungo sa inclusivity at empowerment.
Dapat aniyang matiyak na ang bawat kababaihan ay malaya at ligtas na gamitin ang kanilang boses.
Ngayong araw, March 8, ipinagdiriwang sa buong mundo ang International Women’s Day para kilalanin tagumpay ng mga kababaihan sa lipunan, ekonomiya, kultura, at pulitika.