Manila, Philippines – Posibleng tumaas ang babayarang premium sa Social Security System (SSS) dahil sa bagong batas na Expanded Maternity Leave.
Higit isang bilyong piso ang idadagdag ng SSS sa ibibigay nitong maternity benefits.
Sa ngayon kasi ay halos anim na bilyong pisong maternity benefits na ginagastos ng SSS para sa 69 hanggang 78 araw na maternity leave.
Sa bagong batas, hanggang 105 araw ang paid maternity leave at may dagdag 15 araw para sa single mother.
Dahil dito ay posibleng ₱7.5 bilyon ang gastusin ng ahensya.
Dahil walang limitasyon sa bilang ng panganganak sa bagong batas, pwede itong magresulta sa dagdag na kontribusyon ng mga SSS members.
Facebook Comments