Pinuri ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang magandang kontribusyon ng Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Lao People’s Democratic Republic.
Sa pagbisita ng pangulo sa Filipino community sa Laos, sinabi nitong damang-dama ang magandang kalibre at mataas na pagtingin ng mga taga-Laos sa mga Pinoy, at sila umano ang patunay na nangingibabaw ang galing ng Pilipino saan man sa mundo.
Partikular dito ang kontribusyon ng mga guro sa paghuhulma ng mga magiging lider ng nasabing bansa sa hinaharap, mga engineer na nagpapatatag sa kanilang economic security, at hospitality providers na naghahatid ng magandang serbisyong natutunan nila mula sa Pilipinas.
Kasama rin dito ang executives na nagpapasigla sa kanilang business community na lumikha ng oportunidad para sa kalakalan at investments, at iba pang experts at professionals na nagbabahagi ng kanilang husay at kakayanan.
Bilin ng pangulo sa mga OFW sa Laos, na ipagpatuloy ang pagiging ambassadors ng kagandahang asal ng isang Pilipino.