Manila, Philippines – Pinag-aaralan ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na itaas ang kontribusyon ng mga miyembro nito na target ipatupad sa susunod na taon.
Sabi ni Philhealth OIC Executive Vice President Chief Operating Officer Ruben John Basa, layunin nitong matiyak na mapopondohan ang National Health Insurance Program.
Paliwanag pa ni Basa, pinalawig nila ang ilang benefit packages nang hindi nagtataas ng kontribusyon sa loob ng ilang taon.
Kabilang aniya sa mga napag-usapan na estratehiya para maitaas pa ang membership coverage ay ang pagpapalawak ng benepisyo tulad ng pagpapatupad ng primary care benefit package.
Wala pa namang eksaktong petsa sa susunod na taon kung kailan ipapatupad ng Philhealth ang .25 percent increase.