Tumaas ang kontribusyon ng turismo sa bansa noong 2018.
Sa budget briefing ng Department of Tourism (DOT), sinabi ni Sec. Bernadette Romulo-Puyat na umabot sa 12.7% ang kontribusyon ng turismo sa gross domestic product (GDP) growth na katumbas ng gross value na P2.2 Trillion.
Aabot sa 14.3% ang itinaas sa kontribusyon ng turismo kumpara noong 2017.
Sa tourist arrivals, nangunguna naman ang South Korea na may 1.62 Million na mga bumibisita sa bansa.
Kabilang din sa top 3 markets noong 2018 ang China na may 1.26 million at USA na may 1.03 million.
Sa kabuuan ay 7.17 million ang naitalang inbound visitors habang ang inbound revenue ay pumalo sa P441.4 Billion.
Mula sa P3.85 Billion na proposed budget ng DOT sa 2020, pinakamalaki ang ilalaan sa market development program kasama na ang branding campaign ng Pilipinas na nagkakahalaga ng P1.4 Billion.