Kontribusyon sa bayan ng Filipino community sa Singapore, kinilala ng Philippine Embassy ngayong National Heroes’ Day

Kinilala ng Philippine Embassy sa Singapore ang kontribusyon sa bayan ng Filipino community sa Singapore.

Kasabay ito ng kanilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Araw ng mga Bayani ngayong Lunes, Agosto 25.

Bukod sa kontribusyon ng Overseas Filipino Workers o OFWs sa pagpapa-angat ng Pilipinas, kinilala rin ng embahada ang sakripisyo at kontribusyon sa bayan ng Philippine foreign service personnel.

Kinilala rin ng Philippine Embassy sa Singapore ang katapangan ng mga bayaning Pilipino sa kanilang pakikipaglaban para sa bayan at sa sambayanang Pilipino.

Facebook Comments