Kontribusyon sa SSS at PhilHealth, dapat munang bayaran bago maglabas ng OEC

Kinakailangang magbayad ng premium sa Social Security System (SSS) at PhilHealth bago maisyuhan ng Overseas Employment Certificate (OEC) ang isang manggagawang nais magtrabaho sa ibang bansa.

Ang mga first time OFW ay kailangang magbayad ng 960 pesos.

Tatlong hulog o katumbas ng 880 pesos ang premium na kailangang bayaran ng mga balik-manggagawa.


Maging ang PhilHealth, kailangang bayaran bago mabigyan ng OEC.

Dahil dagdag gastos ito sa mga employer, sinabi ni Eric Marquez ng Joint Manning Group maaaring bawasan ang interes ng mga overseas employer na kumuha ng mga Pilipinong tripulante.

Sa pahayag ng Philippine Association of Service Exporters kung ipagpapatuloy ang compulsory na pagbabayad sa SSS at PhilHealth premiums ay maaari pa itong magdulot sa mas mataas pang bilang ng undocumented OFWs.

Facebook Comments