Kontrobersiyal na Adolescent Pregnancy Prevention Bill, ipinatitigil ng samahan ng mga Layko

Mariing kinondena ng samahan ng Simbahang Katolika ang kontrobersiyal na panukalang batas na “Prevention of Adolescent Pregnancy Act of 2023”.

Sa isang pahayag, sinabi ng Sangguniang Layko ng Pilipinas na isa itong pag-atake sa Pamilyang Pilipino lalo na’t nais nitong alisin ang magulang sa pagdedesisyon sa buhay ng kanilang anak.

Nakasaad sa panukalang batas na dapat maging easily accessible ang health facilities, goods, at mga serbisyo sa lahat ng adolescents o mga nagbibinata at nagdadalaga nang hindi na kailangan ng parental consent.


Batay sa panukala, itinuturing na adolescents ang mga edad 10 hanggang 19 taong gulang.

Dahil dito, nanawagan ang grupo sa Senado at Department of Education (DepEd) na hindi dapat ito makalusot at maimplementa lalo na’t mamumulat ang mga bata sa sexual material nang walang parental consent sa edad na hindi pa naman sila pwede kahit makapagmaneho o makaboto.

Nagbabala rin ito sa DepEd na suspendihin ang implementasyon ng Comprehensive Sexuality
Education na iniimplementa na raw sa pamamagitan ng DepEd Order 31 mula pa noong 2018.

Facebook Comments