Wednesday, March 4, 2026

Kontrobersiyal na pahayag ng isang kongresista sa gitna ng pagdinig ng Kamara sa VP Sara Impeachment, binanatan ng Palasyo

Bumuwelta ang Malacañang sa naging pahayag ng isang kongresista kahapon kaugnay sa paggulong ng impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte sa Kamara.

Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, seryoso at hindi dapat gawing biro ang naging pagbabanta ni VP Sara laban kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos at dating House Speaker Martin Romualdez.

Binanatan din ni Castro si Quezon City Rep. Bong Suntay na naging kontrobersiyal ang mga pahayag matapos idawit sa kaniyang halimbawa si Anne Curtis.

Isa sa batayan para sa isinampang impeachment kay VP Sara ang naging banta nito na kumuha umano siya ng assasin para ipapatay ang First Couple at si Romualdez sakaling may mangyaring masama sa kaniya.

Facebook Comments