Kontrobersiyal na trade ng San Miguel Beer at Kia, aprubado na ni Narvasa

PBA – May go signal nang Commissioner’s Office sa kontrobersiyal na trade ng San Miguel Beer at Kia.

Bukod kasi kina Jay-R Reyes, Rashawn McCarthy at 2019 first round pick, isinamasa trade package ng Beermen si Ronald Tubid kapalit ng number 1 pick ng Kia sa PBA Annual Draft nagagawin bukas.

Marami ang pumalag sa trade na hindi lamang mga fans kundi maging si Alaska owner Fred Uytengsu.


Pero sa kabila nito tuloy na tuloy na ang trade dahil pinayagan na ito ni Commissioner Chito Narvasa.

Inaasahang gagamitin ng San Miguel ang top pick kay Fil-German at Gilas standout Christian Standhardinger.

Facebook Comments