Maaaring i-veto ni Pangulong Bongbong Marcos ang kontrobersyal na Ayuda sa Kapos Ang Kita Program (AKAP).
Ayon kay Senate Minority Leader Koko Pimentel, pupwedeng i-veto ng Pangulo ang line item para sa nasabing proyekto.
Aniya, sa kanya rin kasing pagkakaalam ay dapat ipinagbabawal ang pag-eendorso ng mga politiko sa mga ganitong programa na pagbibigay ng ayuda.
Iginiit ni Pimentel na hindi dapat maging batayan para mapayagan ang programa dahil lang sa mabibigyan ng access ang mga senador sa aniya’y maling programa.
Aniya pa, nag-imbento ng AKAP ang Kongreso na para sa mga nahihirapan subalit mayroon namang natatanggap na sweldo gayong ang mga waiting list sa 4Ps ay hindi natugunan bagkus ay tinanggalan pa ng P50 billion budget ang programa kaya kahit saan tingnan ay sadyang may mali sa mga nangyari sa inaprubahang budget.