KONTROBERSYAL NA AWARD | PCO Asec. Mocha Uson, tinawag na ‘OA’ ang mga bumabatikos sa kanya

Manila, Philippines – Tinawag ni Presidential Communications Assistant Secretary Margaux “Mocha” Uson na “OA” o “overacting” ang mga bumatikos kaugnay sa kontrobersyal na award na ibinigay sa kaniya ng University of Santo Tomas Alumni Association Inc. (USTAAI).

Ayon kay Uson, humahanga siya sa USTAAI dahil sa kabila aniya ng pambu-bully ng ilang mga Thomasians sa kanilang organisasyon ay ipinagpatuloy nila ang paninindigan.

Ilang oras bago ito sabihin ni Uson, naglabas ng pahayag si Henry Tenedero na siya ay nagbibitiw na sa pwesto bilang Presidente ng USTAAI.


Bago, tumulak papuntang India, sinabi ni Uson na lingid sa kaalaman ng lahat ay nakapag-usap sila ni Tenedero bago pa man niya ianunsyo ang pagbibitiw sa pwesto.

Ayon sa kalihim, ipinaalam niya kay Tenedero na isasauli na niya ang kontrobersyal na Thomasian Alumni Award for Government Service na iginawad sa kaniya ng organisasyon.

Hindi lang niya ito isinapubliko dahil sobrang “OA” na ng ilang mga Thomasians na nagpapalaki pa ng isyung ito gayong mas marami pang mahahalagang bagay ang dapat pinag-uusapan kaysa dito.

Panawagan niya pa sa mga “OA” na Thomasians, tama na ang drama at talakayin na lang ang mas mahahalagang usapin tulad ng pagtulong sa mga naturukan ng dengvaxia at papanagutin ang mga may sala dito.

Facebook Comments