Kontrobersyal na Caloocan Prosecutor Darwin Cañete, inilipat na sa Mandaluyong City Prosecutor’s Office

Caloocan City – Inilipat na ng assignment ang kontrobersyal na Caloocan City Senior Assistant Prosecutor Darwin Cañete.

Batay sa Department Order ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, inilipat na sa Mandaluyong City Prosecutor’s Office si Cañete.

Si Cañete ay direktang magre-report para sa kanyang magiging duties and responsibilities, sa Office of City Prosecutor ng Mandaluyong.


Naging kontrobersyal noon si Cañete nang magpost ito sa kanyang facrbook account ng kanyang pagkatig sa extra-judicial killings.

Facebook Comments