Kontrobersyal na DOT-PTV deal, minanipula ni Sec. Andanar – Ramon Tulfo

Manila, Philippines – Naniniwala si Special Envoy to China Ramon Tulfo na minanipula ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar ang controversial deal sa pagitan ng Department of Tourism (DOT) at ng People’s Television o PTV-4.

Sa isang interview, sinabi ni Ramon – na ang kanyang kapatid na si Ben Tulfo at Andanar ang nagmanipula nito.

Mula pa noong Mayo ng nakaraang taon, ang Office of the Ombudsman ay iniimbestigahan ang 60 million pesos na halaga ng advertisements na ipinasok ng DOT sa government-run PTV-4 at ini-ere sa isang public service program ng Bitag Media Unlimited.


Una nang itinanggi ni Ben at kanilang kapatid na si dating Tourism Secretary Wanda Teo na may alam sila sa desisyon ng PTV na ilagay ang DOT advertisements sa programa ni Ben.

Facebook Comments