Tuluyan nang inalis ng Department of Tourism o DOT sa lahat ng social media platforms nito ang kontrobersyal na tourism promotional video na ginawa ng advertising agency na DDB Philippines.
Kasunod ito ng pagkansela ng Tourism Department sa kontrata nito sa DDB Philippines dahil sa paggamit nito ng stock video ng ibang mga bansa.
Ayon sa DOT, hindi sumunod ang ad agency sa nilalaman ng kanilang kontrata kaya nagdesisyon silang kanselahin ang kasunduan.
Una nang umani ng batikos ang kontrobersyal na video makaraang hindi maisama rito ang ilan sa mga tinaguriang iconic na tourist destinations ng bansa.
Facebook Comments