Kontrobersyal na sexual harassment at pang-aabuso sa ilang artista, umabot na sa Senado; aktor na si Niño Muhlach, emosyonal na humarap sa mga senador

Inimbestigahan na ng Senate Committee on Public Information and Mass Media ang tungkol sa polisiya ng mga TV networks at artist management agencies hinggil sa mga reklamo ng pang-aabuso at harassment sa hanay ng mga artista at empleyado.

Sa pagdinig ay naging emosyonal ang aktor na si Niño Muhlach matapos ang napaulat na pang-aabuso ng dalawang independent contractor ng GMA na sina Jojo Nones at Richard Cruz sa kaniyang anak na si Sandro.

Hindi na pinaharap sa imbestigasyon si Sandro bunsod na rin ng payo ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa tindi ng kinaharap nitong trauma sa naging karanasan.


Emosyonal na inilahad ni Muhlach sa komite kung paano sinabi sa kanya ng kanyang anak ang nangyaring pang-aabuso sa kaniya.

Tumaas ang blood pressure ni Muhlach matapos maglabas ng matinding emosyon sa pinagdaanan ng anak.

Ipina-subpoena ng komite sina Nones at Cruz para mapilitang humarap sa susunod na pagdinig.

Iginiit naman ni GMA Network Senior Vice President for Programming Talents Management Group Atty. Anna Thereza Gozon-Valdez na kinokondena nila ang anumang uri ng sexual abuse at harassment sa kanilang kompanya.

Facebook Comments