Nauna na nagpahayag ng pagkontra ang Alliance of Concerned Teachers kaugnay sa kontrobersiyal na Sovereign Fund o ang Maharlika Investment Fund na plano.
Sa naging panayam ng iFM Dagupan kay Alliance of Concern Teachers Partylist Representative France Castro, agad aniya silang nagpalabas ng pagtutol dito dahil sa ilang mga kwestiyonableng bahagi nito.
Aniya hindi pwedeng gamitin ang pondo ng para sa mga pensioners ng SSS at GSIS dahil pinaghirapan aniya ito ng mga miyembro.
Lalo din aniya dapat tignan ay ang plano na gamitin ang pondo na nagkakahalaga ng 250 bilyong piso para sa investment sa labas ng bansa.
Samantala, umaasa naman ito na kaisa nila ang ilang mga mambabatas lalo sa Senado sa pagkontra dito.
Ang Maharlika Wealth Fund ay plano na paggamit ng pondo ng pamahalaan gaya ng pensioners fund mula SSS at GSIS na aabot ng 250 bilyon piso upang kumita ang pamahalaang Pilipinas. |ifmnews
Facebook Comments