Manila, Philippines – Iginiit ng Water for All Refund Movement (WARM) na dapat nang kumilos si Pangulong Rodrigo Duterte para ibalik sa gobyerno ang kontrol sa suplay ng tubig.
Ayon kay RJ Javellana, convenor ng Water for All Refund Movement, pinatunayan ng nararanasang kakapusan sa suplay ng tubig ng Mega Metro Manila na palpak ang konsepto ng privatization sa mga water utilities.
Wala naman aniyang napakinabangan ang publiko sa loob ng dalawampu’t dalawang taon na ipinahawak sa dalawang dambuhalang water concessionaires ang kontrol sa tubig.
Mula aniya 2002 inilatag ng dalawang water concessionaires ang mga bagong replacement projects ng pero wala ni isa sa mga ito ang napagana gayong tuloy-tuloy naman na kinokolektahan ang mga konsyumer.
Iginiit ni Javellana na ito ay malinaw na isang paglabag sa nilagdaang kontrata ng Manila Water at Maynila na may katapat na kanselasyon ng kanilang prangkisa.