Kooperasyon at higit na pag-iingat, kailangan para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 Delta variant

Ikinabahala ni Committee on Health Chairman Senator Christopher Bong Go ang nadadagdagang kaso ng COVID-19 Delta variant sa bansa.

Diin ni Go, mahalaga na ma-contain o mapigil agad ang pagkalat nito dahil hindi natin kakayanin kung tataas muli ang kaso ng COVID-19 sa bansa dahil kapag magsasara uli tayo ay tiyak na marami ang maapektuhan at mawawalan ng trabaho.

Dahil dito ay hiniling ni Go sa medical community na maging alerto at maging handa laban sa pagkalat ng Delta variant na sinasabing mas delikado at mas mabilis makahawa.


Umapela din si Go sa lahat na makipagtulungan at higit na mag-ingat upang hindi dapuan ng nakakatakot na virus.

Binanggit ni Go, nagdudulot na ito ng pagsasara ng ibang mga bansa kaya naman ginagawa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat para balansehin ang ekonomiya at public health.

Pagtiyak ni Go, magiging pangunahing konsiderasyon sa bawat desisyon ng gobyerno ay ang kalusugan at buhay ng bawat Pilipino.

Facebook Comments