Kooperasyon ng Cotabateños depensa kontra COVID 19 ayon sa Public Safety Officer

Nagpapatuloy ang mga pagsisikap ng Cotabato City Government para malabanan ang Corona Virus Disease.

Bagaman wala ng mga naitatalang panibagong kaso ng COVID 19 sa syudad matapos na makarekober ang 15 nagpositibo, hindi aniya nagpapakampante ang City LGU sa direktiba na rin ni City Mayor Atty. Frances Cynthia Guiani ayon pa sa kay Public Safety Officer at Vice Chairman ng Implenting Team Rolen Balquin sa panayam ng DXMY.
Pinasalamatan rin ni Gen. Balquin ang kooperasyon ng publiko sa kampanya ng City LGU.

Kaugnay nito, muling nagpaalala si Gen. Balquin na mariin pa ring iniimplenta ang minimum helath protocols sa bawat sulok ng syudad, itoy matapos na ilan pa rin sa mga residente ang naaktuhang lumalabag sa guidelines.


Sinasabing ngayong linggo lamang, may 12 residente ang nahuli na walang facemask. Ilang establishments din sa syudad ang nakitaan ng pagkukulang sa guidelines kabilang na ang walang footbath , o di kayay walang hand washing area.

Samantala, mariing inihayag ni Gen. Balquin na maaring makulong ang mga mahuling lalabag sa di pagsusuot ng facemask ng hanggang 3 araw o pagbabayad ng 1000 pesos sa first offense, 3000 sa second offense at 5K sa 3rd offense. Habang maaring maipasara ang mga establishments na ibabalewala ang guidelines.

City Government Pic
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments